tula mula sa isang magdaragat ng pag-ibig
para kay r.e.v.
Sa Ganito Kita Maaalaala
Ni Reuel Molina Aguila
Laging kitang mahahantungan
Sa mga dating lugar
Na kilala ng aking puso:
Sa parehong hintayan ng bus at tawiran
Sa mga kapehan, tambayan at tagayan
Ng ating mga halakhak;
Sa mga awit na sabay nating pinakinggan
Sa isawan at pisbolan,at paglalakad
Kapag kulang ang baong winaldas;
Sa iisang upuang kita’y kinandong
Sa iisang payong na pinagsukuban
Ng isinantabing pagkakahiyaan;
Sa bawat ginituang tag-araw
Sa tag-ulang nagtatampisaw
Ang aking diwa sa iyong halik.
Lagi kitang mahahantungan
Sa bawat maningning at masaya
Ganoon kita laging maaalaala.
Matatagpuan kita sa bukang-liwayway
At sa gabing nakatingala ako sa buwan
Ikaw pa rin ang masasayang karanasan.
Mahahantungan kita sa mga saglit
Ng pag-iisa, wala ka ma’y lagi kang kasama.
About this entry
You’re currently reading “tula mula sa isang magdaragat ng pag-ibig,” an entry on weight of words
- Published:
- February 23, 2009 / 8:14 am
- Category:
- poetry in search of me
- Tags:
No comments yet
Jump to comment form | comments rss [?] | trackback uri [?]